Umakyat na sa 46,625 ang bilang ng mga magsasaka sa bansa na apektado ng matinding ulan at bahang dulot ng Bagyong Carina at Habagat, ayon yan sa Department of Agriculture.
Sa pinakahuling bulletin ng DA, kabilang sa mga rehiyong nagtala ng pinsala ang mga ss:
Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western and Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga regions.
Aabot na rin sa kabuuang P1.21 B ang halaga ng production losses sa 43,530 ektaryang apektado ng kalamidad.
Pinaka-apektado ang palay, na may higit 40,000 ektaryang napinsala o katumbas ng P660-M.
Patuloy naman ang assesstemnt at koordinasyon ng DA sa mga apektadong lugar para sa ilalaan nitong tulong sa sektor.
Kabilang dito ang mga binhi, Survival and Recovery (SURE) Loan Program at Quick Response Fund (QRF). | ulat ni Merry Ann Bastasa