Mga negosyante sa Iloilo City, ikinagalak ang mga panukala ng Presidente upang resolbahin ang krisis sa kuryente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng mga negosyante sa Iloilo City ang mga naging panukala ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. upang resolbahin ang krisis sa kuryente.

Ayon kay Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF) chairman Engr. Terence Uygongco, lubos silang naapektuhan sa malawakang blackout na naranasan sa isla ng Panay kaya malaking bagay na binanggit ng Pangulo ang panukala upang maresolba ang krisis ng kuryente kagaya ng energization ng Cebu-Negros-Panay backbone project na inaasahang magpapasiguro ng matatag at matatag na kuryente sa Western Visayas.

Ikinagalak rin ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Iloilo Chapter ang mandato ng Preisdente sa pagkumpleto ng mga interconnection project sa Visayas at Mindanao at mga hakbang upang mapababa ang presyo ng kuryente.

Suportado rin ng dalawang grupo ang posibleng pag-amyenda ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law upang mapabuti pa ang energy sector sa bansa.

Samantala, suportado rin nila ang pagbanggit ng Presidente sa mga infrastructure at transportation projects na inaasahang makakatulong sa pagbababa ng presyo ng logistics.

Nagpahayag rin sila ng suporta sa deklarasyon ng Presidente sa pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon sa PCCI Iloilo, importante rin na mabibigyan rin ng trabaho ang mga Filipino displaced workers mula sa mga POGO.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us