Mga pamilyang biktima ng armed conflict sa Camarines Sur, binigyan ng kabuhayan ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol Region ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga pamilyang naapektuhan ng armed conflict sa Del Gallego, Camarines Sur.

Aabot sa 143 pamilya mula sa kabuuang 147 ang inindorso ng Local Government ng Del Gallego para mabigyan ng tulong pangkabuhayan.

Bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig P20,000 livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Batay sa ulat, nakapagpalabas na ng mahigit P2.8 million ang DSWD field Office 5 sa isinagawang cash aid payout sa 143 pamilya. |ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us