MMDA, bubuo ng technical working group para sa masterplan ng intermodal terminal sa QC Circle

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bubuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng technical working group upang bumalangkas ng masterplan para sa itatayong intermodal terminal sa Quezon City Memorial Circle.

Ang nasabing terminal ay itatayo sa lupang pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS) na matatagpuan sa kanto ng Commonwealth Avenue.

Photo courtesy of MMDA

Layon ng proyekto na magbigay ng mas maayos at convenient na transportasyon para sa mga residente ng Quezon City at karatig-lugar.

Sa isang pulong sa Pasig City, napag-usapan ang naturang plano na dinaluhan nina MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at GSIS President and General Manager Jose Arnulfo Veloso. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us