NBI, nanindigang di si Pangulong Marcos Jr. ang nasa polvoron video

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na hindi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasa polvoron video na kumakalat sa social media.

Ito ang resulta ng isinagawang joint investigation ng NBI, Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Justice (DOJ) para malaman ang katotohanan sa video.

Batay sa makabagong forensic equipment na ginamit sa pagsusuri sa video, isang tao ang ginamit ng detractors para magmukhang si Pangulong Marcos Jr. at palabasing gumagamit ng iligal na droga.

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino ang taong ginamit para magmukhang ang Pangulo pero patuloy pa ang imbestigasyon dito.

Wala pa rin silang matukoy na indibidwal o grupo na responsable sa pagpapakalat ng video pero ginagawa na ang lahat para makilala ang mga ito.

May mga indibidwal din mula sa maisug ang kanilang iimbitahan para maimbestigahan.

Pagtiyak pa ng mga ito na maingat nilang iniimbestigahan ang kaso bago isampa sa korte. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us