NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang idineklara ng Metro Manila Council (MMC) ang pagsasailalim sa state of calamity ng National Capital Region (NCR).

Sa isang pulong sa Pasig City ngayong hapon na pinangunahan nina Interior Secretary Benhur Abalos at MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang iba’t ibang alkalde sa Metro Manila napagkasunduan na isailalim ang NCR sa state of calamity.

Ito ay dahil sa nararanasang malawakang pagbaha sa rehiyon na dulot ng bagyong Carina at habagat.

Tiniyak naman ng MMC at ng DILG na patuloy na nakatutok sila sa sitwasyon sa gitna ng nararanasang kalamidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us