Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tuloy tuloy na suporta ng administrasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines particular sa capability development nito.
Sa talumpati ng Commander in Chief sa ika-77 anibersaryo ng Philippine Air Force sa Cesar Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga, sinabj nitong nagpapatuloy ang pagsisikap na madagdagan pa Ang air assets ng Phil Air force at pagpapalakas pa ng cyber warfare.
Kasama na din Sabi ng Pangulo ang pag- acquire pa ng communication system at pagsasagawa ng base development program.
Dagdag ng Pangulo na magkakaruon din ng transformation sa Operational readiness ng militar at palalawakin pa ang operational reach.
Mayruon na din aniyang nauna ng nabiling advanced radar system.
Ang ganitog mga hakbang sabi ng Pangulo ay para na rin sa proteksiyon ng mamamayan at kahandaan sa mga hamong darating sa hinaharap. | ulat ni Alvin Baltazar