Simula ngayong araw, Hulyo 27 hanggang Agosto 3, itataas sa heightened alert ang seguridad ng buong linya ng MRT-3.
Ito’y bilang paghahanda para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo.
Ayon sa pamunuan ng MRT 3, magtatalaga sila ng mga security at station personnel sa linya na aalalay sa pangangailangan ng mga pasahero lalo na ang mga estudyanteng magbabalik-eskwela.
Ipatutupad ang regular operating hours sa unang biyahe ng tren ng 4:30 AM mula sa North Avenue Station at 5:05 AM naman mula sa Taft Avenue Station.
Samantala, ang huling biyahe ng tren ay 9:30 PM sa North Avenue Station at 10:09 PM naman sa Taft Avenue Station. | ulat ni Rey Ferrer