Inanunsiyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang P10 milyong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame kasama si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ngayong hapon, sinabi ni Abalos na ang “reward” ay mula sa mga “kaibigan” na “frustrated” sa patuloy na pagbabalewala sa batas ni Quiboloy, na nahaharap sa kasong sexual abuse of minors at qualified trafficking.
Nanawagan naman si Abalos sa kontroberysal na lider ng Kingdom of Jesus Christ na kung inosente talaga siya, sumuko nalang at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya sa korte.
Kasabay nito, nag-alok din si Abalos ng tig P1milyong pabuya para sa ikadarakip ng limang kapwa-akusado nito.
Nagbabala naman si Gen. Marbil, na ang sinumang nagtatago kay Quiboloy ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1829 o obstruction of Justice. | ulat ni Leo Sarne