Nasabat ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 2.7 milyong pisong halaga ng shabu mula sa dalawang arestadong drug suspek, sa operasyon kagabi sa Taguig.
Sa ulat ni NCRPO Regional Director Police Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Elizabeth Villanueva, 26, at Clarita Corpuz, 58.
Nahuli ang dalawa sa buy-bust operation sa Mariano Street, Barangay Ususan, Taguig City bansang alas-6 Miyerkules ng gabi.
Nakuha sa kanila ang limang plastic na sachet na naglalaman ng kabuuang 400 gramo ng shabu.
Ang mga suspek ay dinala sa Taguig City Police Station para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NCRPO