Pag-recall ng Police security ni VP Sara, walang halong politika — Gen. Marbil

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi pinag-iinitan ng PNP si Vice President Sara Duterte sa pagbawas ng kanyang Police security detail.

Sa ambush interview kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City, sinabi ng PNP chief na ang pag-recall sa Police security ng iba’t ibang personalidad, ay upang i-rationalize ang deployment ng mga pulis sa security operations.

Sa katunayan aniya ay may mga retiradong heneral na binawasan din ng security escort.

Paliwanag ni Gen. Marbil, kinausap ng Police Security Protection Group (PSPG) ang chief of staff ng Pangalawang Pangulo at ipinagpaalam ang paglipat ng ilang security personnel na naka-assign sa Bise Presidente dahil kailangan sila sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Binigyang-diin ng PNP chief na kailangan ng mas maraming mga pulis sa lansangan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Kumbinsido naman si Gen. Marbil na hindi malaking kawalan sa security ng Pangalawang Pangulo ang ibinawas nilang pulis dahil pandagdag lang naman ang mga ito sa mga sundalo na kasalukuyang nagbibigay seguridad sa Bise Presidente.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us