Naaresto kahapon ng PNP ang kapwa-akusado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Pauleen Canada base sa impormasyong ibinigay ng tipster dahil sa “reward” na inaalok ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa pulong balitaan sa Camp Crame kasama si Department of Interior and Local Govt. Secretary Benjamin Abalos Jr. at Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director PBgen. Nicolas Torre.
Ayon kay PBgen Torre nakatanggap sila ng tip kung saan inilarawan ng tumawag na nakita umano niya ang isang indibidual na kamukha ng wanted poster na inilabas para kay Canada.
Sa pag-follow up ng mga imbestigador, natuklasan na ang pinagtataguan ni Canada ay dalawang kilometro lang ang layo mula sa tanggapan ng pulisya sa Davao.
Sinabi naman ni Sec. Abalos na sa pagkakahuli kay Canada, ay lumiliit na ang mundong pinagtataguan ni Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne