Paglobo ng bomb jokes sa mga paliparan, ikinababahala ng PNP Aviation Security Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng bomb jokes at bomb threats sa mga paliparan sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ni Police Colonel Christopher Melchor, Hepe ng Investigation Division ng PNP Aviation Security Group, mula sa pitong kaso lamang noong nakaraang taon nakapagtala na sila ng 11 kaso sa unang anim na buwan ng 2024.

Ayon kay Col. Melchor, posibleng ang kakulangan ng kaalaman sa mga parusa ang nagtutulak sa mga pasahero na gumawa ng ganitong mga paglabag.

Bilang paalala, ang mga pasaherong mapatutunayang nagbibiro o nagbabanta ng pambobomba ay hindi lamang mao-offload, kundi mahaharap din sa kaso at maaaring pagmultahin depende sa bigat ng kanilang nagawang paglabag. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us