Pagpatay ng NPA sa 2 sibilyan sa Sultan Kudarat, kinondena ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagpatay ng New People’s Army (NPA) noong nakaraang linggo sa dalawang sibilyan sa Sultan Kudarat.

Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang pagpatay sa dalawang sibilyan na non-combatant ay paghahasik ng terorismo sa mga mapayapang komunidad.

Si Emong Kantala ay pinatay ng NPA sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Banali sa bayan ng Sen. Ninoy Aquino noong nakaraang Huwebes; habang si Danilo Englatera at pinatay ng mga teroristang komunista habang pauwi mula sa bukid sa Barangay Wasay, sa bayan ng Kalamansig.

Si Kantala, na Datu ng Manobo Dulangan Tribe at Indigenous People Mandatory Representative (IPMR); at si Englatera na dating NPA na nagbalik-loob noong 2022 ay kapwa mga kritiko ng “terrorist activities” ng NPA sa kani-kanilang mga komunidad.

Sinabi ni Usec. Torres, na ang mga ganitong mga atrosidad ay maaaring maiwasan sa malapit na koordinasyon ng mga komunidad sa pulis at militar upang mapigilan ang pagpasok sa lugar ng mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us