Mahigpit ang naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na gawan ng paraan upang maihatid ang tulong sa mga residente ng Sta. Ines, Tanay Rizal.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang situation briefing sa San Mateo Rizal, kaninang umaga.
Inatasan nito si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, na tiyaking madadala ngayong araw ang tubig inumin, pagkain at gamot sa mahigit na 30 pamilya sa liblib na lugar ng Tanay.
Nababahala ang Pangulo sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Sta. Ines dahil sa sitwasyon na tatlong araw nang hindi kumakain.
Nananatili kasing sarado ang kalsada patungo sa Sta. Ines dahil sa landslide bunsod ng pagragasa ng tubig ulan.
Ayon pa sa Pangulo, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para maisagawa ang temporary solution na maparating ang relief operation, at maihatid ang maraming relief goods sa mga taong na-trap sa Sta. Ines. | ulat ni Melany Valdoz Reyes