Pangulong Marcos Jr., nagbaba ng P10-M na presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda ng Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na inihatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P10 million presidential assistance para sa mga magsasaka at mangingisda ng Sulu, na lubhang naapektuhan ng pagtama ng El Niño sa Pilipinas.

Umaasa ang Pangulo na makatulong ang assistance na ito sa pagpapalakas ng kabuhayan, at pagpapatibay pa sa Sulu bilang isang lalawigan.  

“Nawa’y ang tulong na dala namin ngayon ay magpalakas sa inyong mga kabuhayan at magpatibay pa lalo sa inyo bilang isang lalawigan,” -Pangulong Marcos Jr.

Pagsisiguro ng Pangulo, hindi iiwan ng pamahalaan ang mga ito sa pagharap sa pagsubok, at pagbangong muli mula sa pinsalang iniwan ng matinding tag-tuyot.

“Hindi namin kayo iiwan sa pagharap sa pagsubok na ito, kaya kami ay [magbabahagi] ng ayuda upang makabangon kayong muli at higit pang mapayabong ang inyong pamumuhay,” -Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Pangulo ang mga mamamayan ng Sulu na dumulog sa mga tanggapan ng pamahalaan, para sa kanilang mga pangangailangan, at sila naman ay pakikinggan.

“Huwag kayong magalinlangan……Bagong Pilipinas.”

Base sa datos, higit P5.3 million na halaga ng pinsala sa pananim sa probinsya ang iniwan ng El Niño.

Nasa 912 magsasaka ang naapektuhan.

Dahil dito, ang DSWD, nagbigay rin ng tig- P10,000 para sa 5,000 magsasaka at mangingisda sa illaim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program. Kabalikat nito ang mga makinarya at inputs sa pagsasaka.

Kaugnay nito, siniguro naman ng DSWD na handa na ang higit 3,000 family food packs at iba pang non-food items, na nagkakahalaga ng P2.55 million bilang paghahanda sa mga darating pang pag-ulan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us