Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng Forum on Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities sa Pasay City Astrodome.
Dito tinipon ng pamahalaang lungsod ang mga kalalakihan — mga ama, amahin, at mga tumatayong father figure para sa isang makabuluhang talakayan na may temang “Erpat kong Tapat”.
Pinangunahan ito ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano kung saan pinahalagahan nito ang kontribusyon ng mga ama.
Hindi lang aniya ang mga ‘biological father’—kung hindi dapat ding pahalagahan ang mga ‘father figure’ na walang pag-aalinlangan na tumutupad sa gampanin ng isang huwarang ama sa kanyang inaarugang pamilya.
Sa nasabing forum ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga ama na magbigay ng kanilang kuro-kuro at magbahagi ng kanilang kwento tulad ng parenting skills at family dynamics.
Bilang pagpapahalaga sa mga Tatay, binigyan sila ni Mayor Emi ng libreng body massage, konsultasyon, at iba pang mga serbisyo na handog sa mga masigasig na ama ng tahanan. | ulat ni Lorenz Tanjoco