Nagsagawa ngayong araw ng groundbreaking ceremony para sa renovation at conversion ng Pasig City Children’s Hospital upang maging isang general hospital.
Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang seremonya. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng alkalde na nakita nila ang pangangailangan na mapalawak ang serbisyo ng ospital upang mas maraming residente ng lungsod ang mabigyan ng serbisyong medikal.
Ang ₱300 milyon na proyekto ay magkakaroon ng pitong palapag na gusali na may basement at roofdeck.
Palalawakin din ang emergency room na may treatment at isolation area, blood bank unit, delivery room, 12-unit para sa hemodialysis, at iba pa.
Tiniyak ni Mayor Sotto na mayroong transition team para sa maayos na conversion ng children’s hospital sa general hospital.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng mahigit isang taon, ngunit magiging tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng ospital habang isinasagawa ang mga pagbabago. | ulat ni Diane Lear