Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng assessment kaugnay sa paglubog ng fuel tanker na may kargang 1,494 metriko tonelada ng langis malapit sa Limay, Bataan, kaninang ala- una ng madaling araw.
Base sa ulat ng DOTr, tumagas na ang langis na dala dito.
Sa situation briefing ngayong araw (July 25), sinabi ng Pangulo na aralin ng DENR katuwang ang DOST ang galaw ng alon, lebel ng tubig sa karagatan, at kung saan posibleng mapadpad ang tumagas na langis.
Sabi ng Pangulo, mahalaga na maunahang malinis ang langis bago ito makarating sa pampang.
Kaugnay nito, inatasan rin ng Pangulo ang PCG na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para dito.
Mula sa 17 tripulante ng lumubog na fuel tanker, 16 dito, na-rescue ng PCG, habang nawawala pa ang isa. | ulat ni Racquel Bayan