Nagsagawa ng rescue operations at nagbigay ng iba’t ibang tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng masamang panahon sa Mindanao dulot ng habagat.
Ipinadala ng PRC ang kanilang volunteer emergency response vehicle o VERB team upang tumulong sa pagsagip ng tatlong mga bata mula sa pagbaha at landslide.
Nagbigay din ng psychosocial first aid ang Welfare Services sa mahigit 200 indibidwal sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Bukod dito, namahagi rin ng mainit na pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan ang PRC sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, patuloy ang kanilang pagtatrabaho upang makatulong sa mga nangangailangan. | ulat ni Diane Lear