Nilagdaan ang isang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Philippine Army at St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City kahapon, para mas mahusay na mapangalagaan ang kalusugan ng mga sundalo at kanilang pamilya.
Ang MOU ay nilagdaan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido at St. Luke’s Medical Center President and Chief Executive Officer, Dr. Dennis P. Serrano.
Ayon kay Phil. Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, sa pamamagitan ng kasunduan ay mabibigyan ng komprehensibong “healthcare services” ang mga sundalo at kanilang pamilya.
Ang “partnership” ng Phil. Army at St. Lukes Medical Center na may temang “United in Health, Strengthened by Partnership on a Journey of Serving the People and Securing the Land,” ay bahagi ng commitment ng dalawang partido na pangalagaan ang pampublikong kalusugan, palakasin ang “resilience”, at itaguyod ang malusog at matipunong bansa. | ulat ni Leo Sarne