Matagumpay na naisagawa ang ika-7 “Personnel interaction” ng Philippine Navy at Vietnam People’s Navy (VPN) sa Southwest Cay, na kilala din bilang “Pugad island” sa West Philippine
Sea noong nakaraang linggo.
Ayon kay Naval Forces West Commander Commodore Alan Javier, ang aktibidad ay maituturing na “milestone” sa pagsulong ng kooperasyon at magandang relasyon ng hukbong pandagat ng dalawang bansa.
Lumahok sa aktibidad ang PN Fleet-Marine contingent na pinangunahan ni Deputy Commander for Marine Operations, Naval Forces West, Colonel Enstein B Calaoa Jr PN(M)(GSC)
Tampok sa aktibidad ang staff-to-staff talks kung saan nagkasundo ang Phil. at Vietnamese Navy na magtulungan sa pagligtas ng mga Pilipinong mangingisdang nangangailangan ng tulong sa karagatan.
Nagkaroon din ng palaro, cultural presentation, at “culinary exchange” ang mga tauhan ng dalawang Navy, na nagpatibay ng pagkakaibigan at pagkakauunawan ng magkabilang panig.
Nagpasalamat naman ang Phil. Navy sa VPN sa kanilang pag-host ng naturang aktibidad. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NFW