Inatasan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng Police unit na paigtingin ang “crackdown” laban sa mga High-Value Criminal.
Sa pahayag ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na ang hakbang ay bahagi ng pinalakas na Anti-criminality Campaign upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ito aniya ay paghahanda na rin sa seguridad para sa papalapit na 2025 elections.
Samantala, pinuri ni Gen. Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ni Police Major General Leo Francisco sa kanilang accomplishments.
Mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, 2024, ay aabot sa 6,259 operation ang naisagawa ng CIDG na nagresulta sa pagkakaaresto ng 6,250 wanted na mga indibidwal. | ulat ni Leo Sarne