Nagpaabot ng pakikiramay si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa pamilya ng Special Action Force (SAF) trooper na nasawi sa operasyon sa Cotabato kahapon.
Si PMSg Jed Michael Gregorio ay nasawi, habang anim na iba pang tauhan ng SAF ang sugatan nang magtankang magsilbi ng search warrants sa Brgy. New Panay, Aleosan, Cotabato, mag aalas-9 kahapon ng umaga.
Isisilbi sana ng mga pulis ang search warrants sa isang Macabuat Salik alias “Kwat/Iskoh” sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 dahil sa impormasyong may hawak na mga armas ang suspek at sangkot din ito sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nang papalapit ang mga pulis, bigla nalang silang pinaputukan ng armadong grupo ng suspek na tumuloy sa 30 minutong palitan ng putok.
Nagresulta ito sa pagkakasawi ni Salik at 5 pa niyang kasamahan. | ulat ni Leo Sarne