Naka-deploy na ang mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng rehiyong apektado Bagyong Carina, partikular sa National Capital Region.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ipinagutos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pag-deploy ng lahat ng available na manpower at resources ng PNP para tumong sa humanitarian assistance and disaster response efforts kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
May mga pulis aniya na naka-antabay sa mga magpapasaklolong residente sa mga binahang lugar, habang may mga pulis ding inilagay sa mga evacuation centers sa National Capital Region.
.
Ikinalat na rin ng PNP ang kanilang mobility assets para magamit sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. | ulat ni Leo Sarne