Ipinaabot ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang simpatiya at pakikiramay sa lahat ng mga apektado ng bagyong Carina sa Region 3, CALABARZON, National Capital Region (NCR) at iba pang lugar.
Sa isang statement na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, nagpahayag ng pakikiisa ang kapulisan sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay, tirahan, kabuhayan at nagtamo ng pinsala.
Tiniyak ng PNP ang kanilang commitment na makatulong sa recovery effort at sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng apektadong komunidad.
Ayon kay Fajardo, sa ngayon ay nakakalat ang mga pulis sa mga apektadong lugar at “round the clock” na nagsisikap para pagkalooban ng tulong ang mga nangangailangan. | ulat ni Leo Sarne