“Polvoron video” ipapa-“take down” ng PNP-ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-coordinate ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para ipa-“take down” ang kumalat na video ng isang lalaking nagpapanggap na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakita sa aktong gumagamit umano ng droga.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng panawagan sa publiko na huwag i-share ang naturang video dahil lumabas sa imbestigasyon na ito ay peke.

Sa isinagawang forensic investigation, kapwa inihayag ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) na ang lalaking nakita sa video sa sumisinghot ng pinaniniwalaang cocaine, ay hindi si Pangulong Marcos.

Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Cariaga, sa pamamagitan ng Deepware artificial intelligence (AI) detection tool gamit ang multiple algorithms, napatunayang peke ang video na ginawa sa pamamagitan ng AI.

Tinukoy ni Cariaga ang mga pagkakaiba ng “facial features” ng Pangulo, sa hindi kilalang lalaki sa video, partikular ang sukat ng tenga, at hugis ng mata, ilong, at “sideburns”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us