Buong pagmamalaking idineklara ng Quezon City Police District na generally peacefull ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon.
Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, naging epektibo aniya ang mga security measures at malawak na contingency planning na ipinatupad ng police force sa SONA.
Kasama sa komprehensibong contingency plan ng QCPD ang estratehikong deployment ng mga tauhan, ang paglalagay ng mga checkpoints sa Quezon City, at ang pagpapatupad ng traffic re-routing plan.
Katuwang ng QCPD dito ang ang Law and Order Cluster ng Quezon City government, Metro Manila Development Authority at iba pang kaugnay na ahensya ng lokal na pamahalaan.
Mahigit tatlong libong tauhan ng QC ang na-deploy para matiyak na maayos ang event.Dahil dito walang naitalang untoward incident hanggang matapos ang SONA. | ulat ni Rey Ferrer