Aabot sa 886 na PNP Personnel at 757 Force Multipliers ang ikinalat ng Quezon City Police District sa pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ayon kay QCPD Director P/Brig General Redrico Maranan,bahagi ito ng inilunsad na Oplan-Balik Eskwela ng pulisya.
Layon nito na bantayan ang siguridad sa mga paaralan,
transportation hubs at areas of covergence.
Bukod dito ang paglalagay din ng Police Assistance Desks para pahusayin ang kakayahan ng pulisya sa pagtugon.
Ngayong araw,143 paaralan sa Quezon City ang nagsimula na ng klase habang 15 ang nagpaliban ng pagbubukas ng klase dahil naapektuhan ng bagyong Carina at pinalakas na Habagat. | ulat ni Rey Ferrer