QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at ng pulisya para sa SONA ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakita na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang kahandaan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Inilatag ni QCPD Director Police General Redrico Maranan sa grandstand ng Camp Karingal ang mga kagamitan ng Civil Disturbance Management Unit na gagamitin ng pulisya sa deployment sa SONA.

Kabilang din dito ang mobile command center, mga communication equipment, mga drone, helmet, shield at truncheon, at  iba pa.

Kasama din ng pulisya sa deployment ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) Robot.

Sabi pa ni Maranan, ang EOD Robot ang pakikilusin sakaling may makitang kahina-hinalang gamit at pupulutin papunta sa disposal area.

Batay sa assessment ng QCPD, sapat na ang kanilang mga kagamitan para sa SONA at 100 porsiyento nang handa ang pulisya.

Sabi pa ni Maranan, sisimulan na ang deployment ng mga pulis sa Hulyo 19 sa Commonwealth Avenue at paligid ng Batasan Complex. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us