SAICT, nagsagawa ng operasyon kontra colorum na mga sasakyan sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli sa anti-colorum operation ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang limang pribadong sasakyan na iligal na namamasada sa Santa Maria, Bulacan.

Isa sa mga ito ay isang van na nahuling may sakay na 12 pasahero at naniningil ng P100 pamasahe patungong Balintawak, Quezon City.

Tinangka pang tumakas ng driver kasama ang mga pasahero nang sitahin ng mga operatiba, na nauwi sa habulan at aksidente kung saan nadamay ang isang tricycle.

Naghain na ng reklamo ang mga pasahero laban sa driver dahil sa pagpapahamak sa kanilang buhay.

Ang mga nahuling colorum na sasakyan ay naka-impound na at mahaharap sa multang Php120,000 hanggang Php200,000 bawat isa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us