Umaasa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ikokonsidera ng Malacañang ang pangangailangan ng bataas na magrereporma sa Philippine National Police (PNP).
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang reporma sa PNP (senate bill 2249 at house bill 8327).
Giniit ni dela Rosa, na siyang principal sponsor ng senate bill 2249, na ang panukalang ito ay inendorso mismo ng PNP at ng DILG para matugunan ang mga kulang sa batas para mapalakas ang kapulisan.
Pinunto ng mambabatas na ang panukalang ito ay sumasalalim sa kinakailangan ng PNP para maging mas epektibo at episyente sa pagganap ng kanilang mandato.
Bagamat aminadong nanghihinayang sa kinahinatnan ng panuka, umaasa pa rin si dela Rosa na patuloy na makikipagtulungan pa rin sa mga mambabatas ang mga government agencies na ito sa pagbuo ng mga polisiya at panukalang batas na makapagpapabuti sa kapulisan.
Sinabi ng senador na ang patuloy na pagsasaayos ng PNP ay malaking hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion