Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang mahalagang papel na ginampanan ng kanilang mga tauhan upang mapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kabila ng kinaharap na kalamidad dala ng Habagat at nagdaang bayong Carina.
Kaya naman, ipinag-utos ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagbibigay ng Special Emergency Calamity Leave para sa mga Pulis na naapektuhan din ng kalamidad.
Batay sa datos ng PNP, aabot sa mahigit 2 libong tauhan ng PNP na kinabibilangan ng mga uniformed at non-uniformed personnel ang napuruhan ng masamang panahon.
Ginawa ni Marbil ang pahayag makaraang bisitahin nito ang kanilang mga tauhang nabaha sa Central Luzon kung saan siya namahagi ng relief goods at financial assistance. | ulat ni Jaymark Dagala
📷 COURTESY: PNP-PIO