Suspek sa road rage shooting incident sa Quezon Avenue, Quezon City, arestado na ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa insidente ng road rage na naganap sa Quezon Avenue, Quezon City noong July 2, kung saan isa ang nasugatan matapos barilin ng kapwa motorista.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joseph Dela Cruz, Station Commander ng Police Station 11 ang suspek na si Edwin de Javing Bautista, 52 taong gulang na residente ng Navotas City.

Batay sa ulat, nasanggi ng isang lalaking driver ng Nissan Navara ang side mirror ng Toyota Vios sa kahabaan ng Quezon Avenue.

Sa halip na huminto, mabilis na tumakbo ang suspek na nagresulta sa habulan.

Ngunit pagdating sa kanto ng Quezon Avenue at Banawe Street nagmani-obra ang suspek ng kanyang sasakyan at saka pinaputukan ang biktima na tinamaan sa kanang paa.

Matapos ang masusing imbestigasyon, natukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ni Bautista sa pamamagitan ng kanyang sasakyan at lisensya sa pagmamaneho.

Lumalabas na mayroon ding nakabinbing warrant of arrest ang suspek para sa kasong estafa.

Kakasuhan ang suspek ng attempted murder sa Quezon City Prosecutor’s Office. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us