Pinaghahandaan na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang susunod na Rotation and Resupply (RORE) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, isang buwan makalipas ang panghaharass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa RORE mission noong Hunyo 17.
Ayon kay Trinidad, natapos na ang pagkumpuni sa mga sinirang kagamitan ng CCG sa nakaraang RORE Mission, kabilang ang mga binutas nilang Rigid Hull Inflatable boat (RHIB) ng AFP.
Sinabi ni Trinidad na ipinauubaya na ng AFP sa Western Command (Wescom) ang pagpa-plano ng mga detalye ng isasagawang RORE Mission.
Dagdag ng opisyal, nananatiling mataas ang morale ng mga tropang naka-destino sa BRP Sierra Madre, kasabay ng pagpapasalamat sa publiko sa kanilang suporta sa AFP. | ulat ni Leo Sarne