Nagpahayag ng kahandaan ang Thailand na suportahan ang industriyang pandepensa ng Pilipinas.
Ito ang ipinaabot ni Royal Thai Navy Commander in-Chief Admiral Adoong Pan-Iam kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Angelito M. De Leon sa pagbisita ng una sa Camp Aguinaldo.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, ibinahagi ni Usec. de Leon ang pagpapatupad ng DND ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept, kung saan maaring makatulong ang Thailand sa Pilipinas sa pag-develop ng “self reliant Defense posture”.
Ibinahagi naman ng Thai Admiral ang “best practices” ng Thailand sa paggawa ng kanilang sariling gamit pandigma, kabilang ang mga missile, at Offshore patrol vessel; at ang kanilang paghahangad na palawakin ang kooperasyon sa industriyang pandepensa ng Pilipinas.
Nagkasundo naman ang dalawang opisyal na palakasin ang navy-to-navy engagements, at itaguyod ang nagkakaisang layunin para sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND