Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang makasaysayang desisyon ng Estados Unidos na maglaan ng dagdag na US$500 million sa foreign military financing sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Escudero na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng investment para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa Senate President, ipinapakita nito ang pagkakaibigan at na equal partners ang Pilipinas at US sa pagpapanatili ng kapayapaan, freedom of navigation at rules-based approach sa mga hindi pagkakaunawaan.
Hindi naman naniniwala ang senador na ang hakbang na ito ay magdudulot ng tensyon sa pagitan ng ating bansa at China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Giit ni Escudero, bahagi lang ng pagtupad sa obligasyon ng isang bansa ang pagpapalakas ng sarili nitong militar.| ulat ni Nimfa Asuncion