Umabot na sa mahigit P27-M halaga ng relief assistance ang pinadala ng Department of Social Welfare and Development sa Visayas at Mindanao Region.
Ang kaloob na tulong ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng flash flood at landslide incidents dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) at Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tuloy-tuloy na ang pagpapadala ng food and non-food items ng field offices ng ahensya sa mga apektadong pamilya.
Ito ay sa anyo ng family food packs (FFPs), non-food items, at financial assistance.
Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD, may kabuuang 34,883 pamilya o 174,173 katao sa 176 na barangay sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region,Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang apektado ng umiiral na Inter Tropical Convergence Zone .
Habang 54,729 pamilya o 265,806 katao ang apektado ng ‘Habagat’. | ulat ni Rey Ferrer