Inanunsyo ng Philippine Army na mananatili muna sa bansa ang US typhoon missile system, depende sa pangangailangan para sa pagsasanay ng mga tropa ng Pilipinas.
Ang naturang Typhoon medium-range missile system ay dumating sa Luzon noong Abril para gamitin sa taunang “Salaknib” at “Balikatan” exercise sa pagitan ng mga pwersa ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, magsasagawa muna ng “training evaluation” bago pag-desisyunan kung iwi-“withdraw” na sa bansa ang naturang missile system.
Dahil dito, sinabi ni Dema-ala na walang depinidong “timeline” ang pag-alis ng missile system sa bansa, at possibleng magtagal pa dito lagpas sa Setyembre ng taong kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne