Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng ₱5 milyong halaga ng slope protection structure project sa Barangay Tinindugan sa bayan ng Sergio Osmeña Sr. sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional ditector ng DPWH-9, layon ng proyekto na maproteksyunan ang mga motorista mula sa palagiang pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar lalo na sa pahanon ng tag-ulan.
Aniya, ang pagguho ng lupa ay nagiging banta sa buhay ng mga residente’t motorista na dumadaan sa landslide prone area ng Barangay Tinindugan sa bayan ng Sergio Osmeña.
Dagdag ni Director Dia, ang paglagay ng mga gabion wire, lined canal, at soil erosion protection sa lugar ay pinangasiwaan ng DPWH Zamboanga del Norte 1st District Engineering Office.
Sa kasalukuyan, kampante na aniya ang mga motorista, lalo na ang mga magsasaka, na dumadaan sa bulubunduking bahagi ng Sergio Osmeña Sr. matapos makumpleto ang slope protection structure project ng DPWH sa lugar. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga
📸 DPWH Regional Office-9