50-year master plan para sa drainage system sa Metro Manila, inihahanda na

Ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na hinahanda na ngayon ang 50-year master plan para sa pagsasaayos ng drainage system sa Metro Manila. Sa naging pagdinig sa Senado tungkol sa naranasang malawakang pagbaha ng metro manila at mga kalapit na lugar, sinabi ni bonoan na ang proyektong ito ay… Continue reading 50-year master plan para sa drainage system sa Metro Manila, inihahanda na

Pag-apruba ng Kamara sa Affordable Funeral Service Bill, welcome sa Cebuano solon

Welcome kay Cebu 5th District Representative Duke Frasco ang pag-apruba ng Kamara sa third and  final reading ng Affordable Funeral Service Act o House Bill 102. Ayon kay Frasco, layon nitong maibsan ang hirap na dinaranas ng nagluluksang pamilya  partikular ang mga mahihirap. Aniya, ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na mabigyan… Continue reading Pag-apruba ng Kamara sa Affordable Funeral Service Bill, welcome sa Cebuano solon

Pamahalaan, nakabantay sa mga bagsakan ng isda, upang masiguro na di maibebenta ang mga ito mula sa mga lugar na apektado ng oil spill

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga landings o bagsakan sa mga huling isda, na malapit sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Limay, Bataan, dahil sa paglubog ng Fuel Tanker na MT Terranova. Kabilang na ang Navotas. Kung matatandaan, nakitaan na ng traces ng oil spill sa coastline ng Manila Bay… Continue reading Pamahalaan, nakabantay sa mga bagsakan ng isda, upang masiguro na di maibebenta ang mga ito mula sa mga lugar na apektado ng oil spill

1,698 illegal POGO workers, deported na

Patuloy na humahanap ng iba pang paraan ang pamahalaan upang pabilisin ang epektibong pagpapatupad ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagpapasara sa lahat ng POGO operations sa bansa, at pagpapaalis ng mga POGO workers sa Pilipinas. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na mayroon… Continue reading 1,698 illegal POGO workers, deported na

₱3,000 fuel assistance, ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan

Mamamahagi ng ₱3,000 na fuel assistance ang pamahalaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Limay, Bataan, bunsod ng paglubog ng fuel tanker na MT Terranova. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na iniutos na ni Secretary Francisco Tiu Laurel na simulan ang pamimigay ng fuel… Continue reading ₱3,000 fuel assistance, ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan

PBBM, nagtalaga na ng Acting Secretary sa DTI sa katauhan ni DTI Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si DTI Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang Acting Secretary ng Trade and Industry Department. Kasunod ito ng ginawang pagbibitiw kamakalawa ng dating Kalihim ng DTI na si Alfredo Pascual. Si Undersecretary Roque ay sinasabing may ginampanang malaking papel sa pangunguna sa MSME Development Group sa DTI, nagpatupad ng… Continue reading PBBM, nagtalaga na ng Acting Secretary sa DTI sa katauhan ni DTI Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque

31K family food packs para sa mga apektado ng oil spill sa Bataan at Cavite, inilaan ng DSWD

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo na naglaan ang kagawaran ng 31 libong family food packs para sa mga apektado ng oil spill sa Bataan at Cavite. Ayon kay DSWD UnderSecretary Diana Rose Cajipe, naihatid na nila sa Bataan ang 5,000 food pack habang ongoing naman… Continue reading 31K family food packs para sa mga apektado ng oil spill sa Bataan at Cavite, inilaan ng DSWD

Strategic Approach, pinaiiral ng pamahalaan sa pagtugon sa Bataan oil spill

Pinaigting pa ng pamahalaan ang response efforts nito para matugunan ang insidente ng oil spill na nakakaapekto na ngayon sa ilang rehiyon sa bansa. Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, inilatag ng ibat ibang ahensya sa pangunguna ng DILG ang kanilang mga hakbang para malutas ang problema sa oil spill. Ang PCG, tuloy tuloy pa… Continue reading Strategic Approach, pinaiiral ng pamahalaan sa pagtugon sa Bataan oil spill

CAAP, pinalakas pa ang Government Collaboration para sa mas magandang Airport Developments

Patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang local government units at national agencies para sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga airport projects sa buong bansa. Ayon sa CAAP, ilan sa mga proyektong nakumpleto ay ang sa Zamboanga International Airport, kung saan nag donate ang Zamboanga LGU… Continue reading CAAP, pinalakas pa ang Government Collaboration para sa mas magandang Airport Developments

Paghahain ng kaso kaugnay ng Bataan oil spill, suportado ni DILG Sec. Abalos

Pabor si DILG Sec.Benhur Abalos sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng oil spill mula sa MT Terranova na lumubog sa Limay, Bataan. Kasunod ito ng plano ng Cavite LGU na maghain ng class action lawsuit kasunod ng perwisyong dulot ng oil spill. Ayon sa kalihim, may karapatan ang mga lokal na pamahalaan gaya ng Cavite… Continue reading Paghahain ng kaso kaugnay ng Bataan oil spill, suportado ni DILG Sec. Abalos