Oil spill sa Bataan, patuloy na binabantayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Ipinakita sa mga miyembro ng media sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan ang sitwasyon sa Manila Bay hanggang sa ground zero sa Limay, Bataan ngayong araw kung saan lumubog ang barkong MT Terranova na may kargang 1.4-milyong litro ng langis. Sa pag-iikot na BRP Suluan, walang oil… Continue reading Oil spill sa Bataan, patuloy na binabantayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

DA-BFAR, namahagi ng food packs sa higit isang libong mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill

Nagbigay na ng inisyal na tulong ang Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill mula sa Bataan. Aabot sa 1,612 mangingisda sa Noveleta ang binigyan ng family food packs na bahagi ng unang bugso ng tulong. Isa ang munisipalidad sa Cavite ang… Continue reading DA-BFAR, namahagi ng food packs sa higit isang libong mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill

8.5K na residente mula Eastern Visayas, nakatanggap ng bigas at tulong pinansyal sa region-wide payout ng MEGA BPSF

Kabuuang 8,500 na benepisyaryo mula Eastern Visayas ang napagkalooban ng bigas, educational at livelihood assistance sa pamamagitan ng tatlong programa na isinulong ni Speaker Martin Romualdez. Kasabay ng paglulunsad sa pinakamalaki at unang region-wide Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay nagkaroon din ng pamamahaging tulong sa pamamagitan ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Start-up,… Continue reading 8.5K na residente mula Eastern Visayas, nakatanggap ng bigas at tulong pinansyal sa region-wide payout ng MEGA BPSF

Higit 250K benepisyaryo, napagkalooban ng serbisyo at tulong ng pamahalaan sa pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Kabuuang 253,000 na residente ng Eastern Visayas ang nakabenepisyo sa pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Nasa 56 na ahensya ng pamahalaang nasyunal ang nakibahagi sa ika 21 BPSF na may dalang P1.26 billion na halaga ng serbisyo at tulong pinansyal. Ang P807 million dito ay cash assistance. Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang makasaysayang pagdaraos… Continue reading Higit 250K benepisyaryo, napagkalooban ng serbisyo at tulong ng pamahalaan sa pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

DILG, kinondena ang pananambang at pagpatay sa Vice Mayor sa Maguindanao del Sur

Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pananambang at pagpatay kay South Upi, Maguindanao Del Sur Vice Mayor Roldan Benito at isa pa nitong kasamahan. Inatasan na ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa militar para tugisin ang mga salarin. Biyernes ng hapon ng tambangan ang bise… Continue reading DILG, kinondena ang pananambang at pagpatay sa Vice Mayor sa Maguindanao del Sur

PCG, lumahok sa isang bloodletting activity para sa mga nabiktima ng leptospirosis

Nilahukan ng halos 100 personnel mula sa iba’t ibang unit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pangunguna ng Coast Guard Civil Relations Service ang isang bloodletting activity para sa nangangailangan ng blood donation kabilang na ang mga pasyenteng biktima ng leptospirosis dahil sa bahang dulot ng nagdaang Bagyong #CarinaPH. Isinagawa ang nasabing bloodletting activity National… Continue reading PCG, lumahok sa isang bloodletting activity para sa mga nabiktima ng leptospirosis

Basurang nakolekta sa Metro Manila pagkatapos ng Bagyong #CarinaPH at Habagat, higit 870 tonelada na – MMDA

May 870 tonelada ng basura ang nahahakot na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila mula Hulyo 24-31, 2024 matapos manalasa ang Bagyong Carina at Habagat. Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, tuloy-tuloy pa ang clean up operations sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan. Binigyan diin din ng MMDA ang prayoridad na… Continue reading Basurang nakolekta sa Metro Manila pagkatapos ng Bagyong #CarinaPH at Habagat, higit 870 tonelada na – MMDA

DTI, target na palakasin pa ang SMSE, upang makatulong sa ekonomiya ng bansa

Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin ang small and medium size enterprises (SMSE) para makatulong sa paglago sa ekonomiya ng bansa. Sinabi ni DTI Acting Secretary Cristina Aldeguer – Roque na kahit 10% lamang ng small and medium size enterprises ang mapalago ay malaki na ang maitutulong upang makalikha ng trabaho.… Continue reading DTI, target na palakasin pa ang SMSE, upang makatulong sa ekonomiya ng bansa

Pagyanig ng 6.5. magnitude na lindol, walang naitalang epekto sa Davao Region ayon sa OCD 11

Walang natalang epekto sa Davao Region matapos yumanig ang 6.5 magnitude na lindol na naka-sentro sa karagatan ng Surigao del Sur. Sa mensahe ni Office of the Civil Defense 11 (OCD 11) Operations Chief Franz Irag sa Radyo Pilipinas Davao, wala pa silang natatanggap na mga reports mula sa mga local disaster risk reduction and… Continue reading Pagyanig ng 6.5. magnitude na lindol, walang naitalang epekto sa Davao Region ayon sa OCD 11

Bulkang Taal, tatlong beses na nagkaroon ng phreatic eruption kagabi –PHIVOLCS

Sa pagitan ng alas-7:15 hanggang alas-7:23 kagabi, August 2, nagparamdam ng tatlong mahihinang phreatic eruption ang Taal Volcano sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ito sa main crater ng bulkan at tumagal ng isang minuto bawat event. Ang phreatic eruption o steam-driven explosions ay lumikha ng plumes na umabot… Continue reading Bulkang Taal, tatlong beses na nagkaroon ng phreatic eruption kagabi –PHIVOLCS