27 Chinese POGO workers idineport pabalik ng China

Sa pangunguna ng Bureau of Immigration (BI), ipinadeport na pabalik ng China ang 27 Chinese national na sinasabing sangkot sa mga illegal gaming activity sa bansa. Sakay ang mga nasabing Chinese national ng isang Philippine Airlines flight kung saan dadalhin ang mga ito papuntang Shanghai, China. Target sana ng BI na ibalik ang kabuuang 33… Continue reading 27 Chinese POGO workers idineport pabalik ng China

DILG, pinakiusapan ang publiko na iwasan ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar

Nanawagan sa publiko si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na huwag magtapon ng basura kung saan-saang lugar. Ginawa ng kalihim ang apela kasunod nang malawakang pagbaha sa Metro Manila kasunod ng nagdaang bagyo kung saan isa sa mga dahilan ang basura na bumara sa mga daluyan ng tubig. Paalala ng… Continue reading DILG, pinakiusapan ang publiko na iwasan ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar

Bahagi ng EDSA Southbound, pansamantalang isasara para sa isasagawang road repair

Abiso sa mga motorista! Isasara ng Department of Public Works and Highways—South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO) ang middle lane ng EDSA Southbound para sa pagsasaayos ng kalsada na nagsimula alas-10:00 kagabi, August 2, hanggang August 5, alas-5:00 ng umaga. Sakop ng pagsasara ang Southbound na bahagi ng EDSA, mula E. Rodriguez Extension hanggang L.… Continue reading Bahagi ng EDSA Southbound, pansamantalang isasara para sa isasagawang road repair

PHIVOLCS, walang nakitang banta ng tsunami sa nangyaring lindol sa Lingig, Surigao del Sur

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko na magkaroon ng tsunami pagkatapos ng lindol kaninang umaga sa Lingig, Surigao Del Sur. Sa inilabas na tsunami alert ng PHIVOLCS, walang banta ng tsunami na tatama sa lugar na apektado ng lindol na may lakas na magnitude 6.5. Alas-6:23 ng umaga… Continue reading PHIVOLCS, walang nakitang banta ng tsunami sa nangyaring lindol sa Lingig, Surigao del Sur

PBBM nag-isyu na ng Executive Order para sa salary increase ng government workers

Inisyu na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 64, na nagdaragdag ng sahod sa mga kawani ng pamahalaan. Ang EO 64 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon at magkakabisa sa sandaling mailathala na sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may nationwide circulation. Nakasaad sa nilagdaang EO 64,… Continue reading PBBM nag-isyu na ng Executive Order para sa salary increase ng government workers

DPWH, nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Umapela sa publiko ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa responsableng pagtatapon ng basura. Partikular dito sa mga estero upang dumaloy ng tama sa karagatan ang tubig-ulan. Nanindigan si DPWH Secretary Manuel Bonoan na hindi ang mga reclamation works sa Manila Bay ang dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila noong kasagsagan… Continue reading DPWH, nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Bilang ng mga nasawi sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Umabot na sa 13 ang namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City. Sa kabuuang bilang ng nasawi, anim ay mula sa District 5, tatlo dito ay mula sa Barangay Nagkaisang Nayon, tig-isa sa Barangay Bagbag, Fairview at San Agustin. Tatlo sa District 2, dalawa sa Barangay Commonwealth at isa sa Barangay Payatas B, habang… Continue reading Bilang ng mga nasawi sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

DA, bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng mga bakuna vs. foot and mouth disease

Bumuo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng technical working group (TWG) upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng mga bakuna kontra foot and mouth disease (FMD). Bagama’t kinikilala ng World Organization for Animal Health ang bansa bilang FMD-free nang walang vaccination practice mula noong May 2014, nakikita pa rin ng Department Agriculture (DA)… Continue reading DA, bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng mga bakuna vs. foot and mouth disease

Pribadong sektor, nakikiisa na para matugunan ang pagbaha sa bansa — DENR

Ipinahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na tumutulong na ang pribadong sektor sa pamahalaan para maibsan ang problema sa pagbaha sa bansa. Gaya na lang aniya ng San Miguel group na nagsasagawa ng dredging sa mga ilog nang kusa o libre at walang gastos sa pamahalaan. Ayon sa… Continue reading Pribadong sektor, nakikiisa na para matugunan ang pagbaha sa bansa — DENR

Canadian warship dumaong sa bansa para sa isang goodwill visit

Binisita ng Royal Canadian Navy ang bansa lulan ng Canadian warship na His Majesty’s Canadian Ship-HMCS Montreal nang dumaong ito kahapon, August 2, sa Manila South Harbor sa Lungsod ng Maynila. Layon ng pagbisitang ito ng Royal Canadian Navy na magsagawa ng goodwill visit sa Pilipinas ngayong buwan bilang bahagi ng Indo-Pacific Strategy ng Canada.… Continue reading Canadian warship dumaong sa bansa para sa isang goodwill visit