Pilipinas kaya pa ring mahigitan ang upper middle-income threshold pagsapit ng 2025 –NEDA

Positibo si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na kung makakamit ng Pilipinas ang macroeconomic targets nito ay malalampasan ng bansa ang upper middle-income threshold sa taong 2025. Sa pagharap ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa budget briefing ng House Appropriations Committee ngayong araw, sinabi ni Balisacan na kung makamit ng bansa… Continue reading Pilipinas kaya pa ring mahigitan ang upper middle-income threshold pagsapit ng 2025 –NEDA

Oranbo Drive sa Pasig City, pansamantalang isasara tuwing weekend simula Agosto 4, ayon sa Pasig LGU

Abiso sa mga motorista, inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig City na simula ngayong August 4, at sa bawat weekend hanggang August 25, pansamantalang isasara ang Oranbo Drive sa Pasig City. Ito ay upang magbigay daan sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Oranbo. Batay sa abiso, ito ay isasara sa mga araw… Continue reading Oranbo Drive sa Pasig City, pansamantalang isasara tuwing weekend simula Agosto 4, ayon sa Pasig LGU

42 paaralan, hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw – DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 42 mga paaralan ang hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw. Ayon sa DepEd, ang mga paaralang ito ay mula sa Malabon City, kung saan sinuspinde ang klase dahil sa muling pagtaas ng tubig-baha sa lungsod. Samantala, kinumpirma rin ng DepEd na tuloy-tuloy ang klase sa 615 paaralan na… Continue reading 42 paaralan, hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw – DepEd

TRO tungkol sa pagpapalawig ng TRO para sa power bidding, susuriin ng Meralco

Natanggap na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang kautusan mula sa korte na nagpapalawig ng Temporary Restraining Order (TRO) para sa Competitive Selection Process (CSP) ng pagbili ng kuryente. Sa isang pahayag, sinabi ng MERALCO na ang TRO ay magdudulot ng 20 araw na pagkaantala sa kanilang mga aktibidad na may kaugnayan sa CSP. Maaari… Continue reading TRO tungkol sa pagpapalawig ng TRO para sa power bidding, susuriin ng Meralco

DOF, tiniyak sa Kamara na “on track” tungo sa pag-unlad ng bansa ang medium term fiscal program

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na on track ang fiscal program ng bansa upang siguruhing mapondohan ang pambansang budget. Ito ang inihayag ni Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto sa harap ng plenaryo ng Kamara sa pagbubukas ng deliberasyon ng 2025 national budget. Ayon kay Recto. sa ilalim ng refined medium-term fiscal program,… Continue reading DOF, tiniyak sa Kamara na “on track” tungo sa pag-unlad ng bansa ang medium term fiscal program

Pagkumpuni sa nasirang navigational gate sa Malabon-Navotas River, hiniling ng mga LGU na pabilisin

Muling umapela ang local government units (LGU) ng Malabon at Navotas na pabilisin ang pagkumpuni sa nasirang Navigational Gate sa Malabon-Navotas River. Partikular na hiniling ito ng dalawang lokal na pamahalaan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Iminungkahi nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Navotas Mayor… Continue reading Pagkumpuni sa nasirang navigational gate sa Malabon-Navotas River, hiniling ng mga LGU na pabilisin

Economic managers, tiniyak na walang magiging malaking epekto sa ekonomiya ang pending exit ng mga POGO sa bansa

Sinabi ng economic managers na walang masyadong epekto ang pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa. Ito ang sagot ni Finance Secretary Ralph Recto sa naging katanungan ni Bulacan Rep. Salvador Pleyto sa ginagawa ngayong 2025 budget deliberation. Ayon kay Recto bagaman bumaba ang presyo ng real estate at office spaces, mas makabubuti… Continue reading Economic managers, tiniyak na walang magiging malaking epekto sa ekonomiya ang pending exit ng mga POGO sa bansa

Las Piñas Solon, itinutulak ang P10-B treatment fund para sa mga mahihirap na cancer patient

Nanawagan si House Deputy Leader at Las Piñas Rep. Camille Villar sa kaniyang mga kapwa mambabatas na aprubahan ang kanyang panukala na P10-billion cancer fund and free medicine assistance program para sa mga mahihirap na pasyente. Sinabi ni Villar na panahon na para sa mga underprivilege na mapagkalooban ng lifeline sa kanilang laban kontra cancer.… Continue reading Las Piñas Solon, itinutulak ang P10-B treatment fund para sa mga mahihirap na cancer patient

DILG, binalaan ang publiko laban sa fake news sa oil spill sa Bataan

Magsasagawa na ng weekly inspection at briefing ang inter-agency task force para ipaalam sa publiko ang mga aktwal na lugar na apektado ng oil spill sa Bataan. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., layon nito na malabanan ang fake news tungkol sa oil spill. Aniya, gagawin nila… Continue reading DILG, binalaan ang publiko laban sa fake news sa oil spill sa Bataan

Kamara, bubuo ng joint committee para sa mas komprehensibong imbestigasyon ng ugnayan ng POGO at iligal na droga

Inatasan na ni House Speaker Martin Romualdez ang apat na komite sa Kamara na magsanib pwersa para sa komprehensibong pag-iimbestiga sa kaugnayan ng iligal na droga, POGO at iba pang krimen. Sa pulong balitaan matapos mag-ikot ang mga House leaders sa POGO hub na Zun Yuan sa Bamban, Tarlac at Lucky South 99 sa Porac,… Continue reading Kamara, bubuo ng joint committee para sa mas komprehensibong imbestigasyon ng ugnayan ng POGO at iligal na droga