BFAR-10, namahagi ng 7k Bangus fingerlings sa isang asosasyon ng mangingisda sa Baliangao, Misamis Occidental

Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 10 sa pamamagitan ng Provincial Fisheries Office of Misamis Occidental (PFO-MisOcc) ng kabuuang bilang na 7,000 Bangus fingerlings sa Baliangao Fisherfolk Association (BAFA) sa Northern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental kamakailan. Pinakawalan ito gamit ang 10×10 metro na bamboo fish cage na magsisilbing tirahan ng mga isda… Continue reading BFAR-10, namahagi ng 7k Bangus fingerlings sa isang asosasyon ng mangingisda sa Baliangao, Misamis Occidental

Mga pulis na nasawi at nasugatan sa ikinasang operasyon ng PNP-AKG sa Pampanga, binigyang pugay ng PNP Chief

Sinaluduhan at binigyang parangal ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang dalawang pulis na nag-alay ng kanilang sarili habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas. Ito’y matapos masawi si PSSgt. Nelson Santiago habang sugatan naman si PCMSgt. Eden Accad sa ikinasang operasyon ng PNP Anti – Kidnapping Group sa… Continue reading Mga pulis na nasawi at nasugatan sa ikinasang operasyon ng PNP-AKG sa Pampanga, binigyang pugay ng PNP Chief

Masagana Program, nirerebyu ngayon ng DA

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na sumasailalim ngayon sa masusing review ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP), na inisyatibo ng pamahalaan para mapataas ang produksyon ng palay sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isang komprehensibong pag-aaral ang ginagawa ngayon ng kagawaran para masigurong magreresulta ang MRIDP sa mataas na… Continue reading Masagana Program, nirerebyu ngayon ng DA

DSWD, nakapaghatid na ng higit 33,000 family food packs sa mga apaketado ng oil spill

Umakyat na sa 33,300 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development para sa mga naapektuhan ng oil spill sa Bataan at Cavite. Kasama rito ang mga food packs na nakaposisyon sa mga DSWD Field Offices, na-release, for delivery, at for pick-up ng mga LGUs. Pinakamalaki ang nailaan sa Trece… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng higit 33,000 family food packs sa mga apaketado ng oil spill

Presyo ng ilang isda sa Pasig Mega Market, nagsisimula na ring tumaas matapos ang insidente ng oil spill sa Bataan

Umaaray na ang mga nagtitinda ng isda sa Pasig City Mega Market dahil bukod sa matumal na ang bentahan ay nagtaas pa ang presyo nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sumipa na sa ₱200 ang presyo ng kada kilo ng galunggong, ₱160 ang kada kilo ng tulingan, habang ang bangus ay nasa ₱130 hanggang ₱140… Continue reading Presyo ng ilang isda sa Pasig Mega Market, nagsisimula na ring tumaas matapos ang insidente ng oil spill sa Bataan

Panukala para sa mas pinabigat na parusa vs. smuggling, hoarding, profiteering, at cartel ops, maiaakyat na sa Tanggapan ng Pangulo

Itinuturing ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na panalo para sa sektor ng agrikultura at ng mga Pilipino ang pagratipika ng Kamara sa Bicameral Conference Committee Report ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Bilang isa sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures, layon ng panukala na palakasin ang agricultural productivity… Continue reading Panukala para sa mas pinabigat na parusa vs. smuggling, hoarding, profiteering, at cartel ops, maiaakyat na sa Tanggapan ng Pangulo

Mataas na inflation outturn nung July, pansamantala lamang — DOF Sec. Recto

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa publiko na ang mataas na inflation rate sa buwan ng Hulyo ay pansamantala lamang o  maituturing na “one-time uptick” dahil sa mataas na base effects. Ayon kay Recto, ito ay inaasahan ding babalik sa target range ng economic managers na nasa 3-4 percent hanggang matapos ang taon kapag… Continue reading Mataas na inflation outturn nung July, pansamantala lamang — DOF Sec. Recto

Militarisasyon ng China sa Subi Reef, nagpapatuloy — AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy hanggang sa ngayon ang militarisasyon ng China sa Subi Reef sa West Philippine Sea, ang pinakamalapit na reclamation project ng China sa Pag-asa Island. Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad… Continue reading Militarisasyon ng China sa Subi Reef, nagpapatuloy — AFP