IPOPHL, nakipag-partner para sa pagpapalakas ng local inventors sa bansa

Nilagdaan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang isang memorandum of understanding kasama ang Filipino Inventors Society (FIS) upang palakasin ang suporta para sa mga lokal na imbentor sa pagprotekta at pag-commercialize ng kanilang mga intellectual property. Pinirmahan ang nasabing kasunduan nina IPOPHL Director General Rowel Barba at FIS President Dr. Ronald Pagsanghan… Continue reading IPOPHL, nakipag-partner para sa pagpapalakas ng local inventors sa bansa

Bagong traffic scheme sa bahagi ng Candaba Viaduct, ipatutupad na bukas ng NLEX Corp

Simula bukas, Agosto 12, ipatutupad na ang bagong traffic scheme sa dalawang kilometrong bahagi ng Candaba Viaduct Southbound sa North Luzon Expressway. Sa abiso ng NLEX Corporation, pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali, lahat ng motorista papuntang Manila ay padadaanin na sa bagong Candaba 3rd Viaduct (Zone 1-Pulilan Area). Lahat ng Class 1 vehicle ay pinapayuhang… Continue reading Bagong traffic scheme sa bahagi ng Candaba Viaduct, ipatutupad na bukas ng NLEX Corp

Pilipinas, muling naging nominado sa isang prestihiyosong international travel magazine

Muling tinanggap ng Pilipinas ang nominasyon sa prestihiyosong 23rd Annual Wanderlast Reader Travel Awards 2024 ng Wanderlast na itinuturing na pinakamahabang tumatakbong travel magazine sa UK. Sa nasabing travel awards, nominado ngayong taon ang Pilipinas sa Most Desirable Country (Rest of the World), habang ang Cebu ay nominado rin bilang Most Desirable Region, ang Palawan… Continue reading Pilipinas, muling naging nominado sa isang prestihiyosong international travel magazine

Mga baybaying dagat na kontaminado ng Red Tide, muli na namang nadagdagan – BFAR

Dumami muli ang mga baybaying dagat sa bansa na nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide. Batay sa pinakahuling ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa sampung coastal waters sa iba’t ibang lalawigan ang kontaminado ng red tide na lampas sa regulatory limit. Pinakabagong nadagdag sa listahan na positibo sa… Continue reading Mga baybaying dagat na kontaminado ng Red Tide, muli na namang nadagdagan – BFAR

IGRB Co-chair Sec. Amenah Pangandaman, nagpasalamat sa JICA sa kanilang pagsuporta sa kapayapaan

Ipinahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary at Intergovernmental Relations Body (IGRB) co-chair Amenah Pangandaman ang kanyang pasasalamat sa pamahalaan ng Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa kanilang patuloy na suporta sa proseso ng kapayapaan ng bansa. Ginawa ng Kalihim ang pahayag na ito kasabay ng paggunita ng ika-10 anibersaryo ng… Continue reading IGRB Co-chair Sec. Amenah Pangandaman, nagpasalamat sa JICA sa kanilang pagsuporta sa kapayapaan

PSA, pinag-iingat ang publiko laban sa mga indibidwal na nag-aalok ng pera kapalit ng Philsys ID

Nagbabala ang Philippine Statistics Authority laban sa mga taong nag-aalok ng cash sa mga registered person kapalit ng kanilang Philsys o National IDs. Ayon sa PSA,may natanggap silang reports tungkol sa ilang indibidwal na lumalapit sa mga registered person at kinukuhanan ng litrato ang kanilang National ID kapalit ng pera. Pinapayuhan ang publiko na huwag… Continue reading PSA, pinag-iingat ang publiko laban sa mga indibidwal na nag-aalok ng pera kapalit ng Philsys ID

Higit 200 indibidwal, nakapagtapos na sa intervention program ng QCADAAC

Humigit-kumulang 200 indibidwal ang nakapagtapos ng intervention program sa Quezon City. Naisakatuparan ito sa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC). Bilang Co-Chairman ng QCADAAC, ikinatuwa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ang pagtatapos ng mga graduate sa programa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng Community-Based… Continue reading Higit 200 indibidwal, nakapagtapos na sa intervention program ng QCADAAC