Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM

May kabuuang P591.8 billion na pondong inilaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 2025 national budget. Sa briefing ng DBCC sa senado, sinabi ni budget Secretary Amenah Pangandaman na pinakamalaking alokasyon sa mga ayuda program ang napunta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may pondong P114.2 billion. May mga… Continue reading Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM

QC Jail at COMELEC, nagpatupad ng special voters’ registration sa mga PDL

Photo courtesy of Quezon City Jail - Male Dormitory

Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Jail Male Dormitory at Commission on Elections (Comelec) ang special voters’ registration sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs). Ayon kay Quezon City Jail Warden JSupt Warren Geronimo, kabuuang 534 na PDL ang nairehistro bilang mga botante ng lungsod Quezon. Bago ang voters’ registration, inihanda na ng jail facility… Continue reading QC Jail at COMELEC, nagpatupad ng special voters’ registration sa mga PDL

Panukalang layong tulungan ang mga mag-aaral na hirap sa basic subjects, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bill. Ayon kay Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, isusulong ng panukala ang pagkakaroon ng mga sistematikong tutorial sessions, pati na rin ng intervention plans, at learning resources para matugunan ang learning loss. Ayon sa… Continue reading Panukalang layong tulungan ang mga mag-aaral na hirap sa basic subjects, niratipikahan na ng Senado

Higit 300 Brgy. Officials sa QC, sumailalim sa Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management Course

May 326 barangay officials sa Quezon City ang nagtapos na sa kursong Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management. Ang inisyatibang ito ay ginawa ng Quezon City Government upang mas mabigyan pa ng edukasyon at kaalaman ang mga mamumunong barangay officials. Paalala ni QC Mayor Joy Belmonte, na dapat maging magaling, mabuti, at… Continue reading Higit 300 Brgy. Officials sa QC, sumailalim sa Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management Course

Singaporean President Tharman, sasalubungin nina Pangulong Marcos at FL Liza sa Malacañang bukas

Tatanggapin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos si Singapore President Tharman Shanmugaratnam sa Malacañang, bukas (August 15), bilang pagsisimula sa tatlong araw na State Visit ng Singaporean leader sa Pilipinas. “This will be the first time for President Shanmugaratnam to visit the Philippines in his official capacity as Singapore’s new… Continue reading Singaporean President Tharman, sasalubungin nina Pangulong Marcos at FL Liza sa Malacañang bukas

Resolusyong kumikilala kina 2024 Olympic medalists Carlos Yulo, Nesthy Petecio at Aira Villegas at sa buong team Philippines, inaprubahan ng Senadomedals ang nakuha ng Pilipinas sa nagdaang Olympics

Ito ang pinakamagdang performace ng Pilipinas sa nakalipas na isang daang taon ng pagsasagawa ng Olympics o mula 1924. Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 1097 bilang pagkilala kay Olympic double gold medalist Carlos Yulo; Senate Resolution No. 1117 para kay bronze medalist Aira Villegas at Senate Resolution No. 1122 para kay bronze medalist… Continue reading Resolusyong kumikilala kina 2024 Olympic medalists Carlos Yulo, Nesthy Petecio at Aira Villegas at sa buong team Philippines, inaprubahan ng Senadomedals ang nakuha ng Pilipinas sa nagdaang Olympics

Utang na doctor’s fee sa ilalim ng medical assistance program ng pamahalaan, pinatutugunan ng House Appropriations Chair

Nakipagpulong si House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ni Health Secretary Ted Herbosa, upang tugunan ang hinaing ngayon ng mga indigent na pasyente sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients Program o MAIPP Aniya, hindi sila agad nakakatanggap… Continue reading Utang na doctor’s fee sa ilalim ng medical assistance program ng pamahalaan, pinatutugunan ng House Appropriations Chair

Pilipinas, nakatanggap ng A- credit rating mula sa credit rating agency ng Japan

Inanunsyo ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na nakatanggap ang Pilipinas ng A- credit rating mula sa Rating and Investment Information (R&I), ang pinakamalaking credit rating agency ng Japan. Ibinahagi ni Recto ang balitang ito bago matapos ang briefing ng DBCC sa senado ngayong araw tungkol sa panukalang 2025 national budget. Itinuturing ng… Continue reading Pilipinas, nakatanggap ng A- credit rating mula sa credit rating agency ng Japan

Sen. Escudero, nakipagpulong sa ‘magnificent 7’ transport groups kaugnay ng posisyon ng Senado tungkol sa PUV modernization program

Nakipagpulong si Senate President Chiz Escudero sa mga kinatawan ng iba’t ibang transport groups kaugnay ng resolusyon na pinirmahan ng 22 na mga senador na panawagang suspendihin na muna ang PUV modernization program. Kabilang sa mga nakapulong ni Escudero ang mga kinatawan ng tinatawag na ‘magnificent 7’ na mula sa mga grupong Pasang Masda, LTOP,… Continue reading Sen. Escudero, nakipagpulong sa ‘magnificent 7’ transport groups kaugnay ng posisyon ng Senado tungkol sa PUV modernization program

COA, pinakiusapan ang House Appropriations Committee na ikonsidera ang ibinawas sa kanilang hiling na budget para sa taong 2025

Nanawagan ang Commission on Audit (COA) sa Kamara na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2025. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) nasa P13.415 billion ang kanilang budget, na nabawasan ng P670 million sa kanilang request na budget sa Department of Budget and Management (DBM). Sa interpellation ni Muntinlupa Representative Jaime Fresnedi, tinanong… Continue reading COA, pinakiusapan ang House Appropriations Committee na ikonsidera ang ibinawas sa kanilang hiling na budget para sa taong 2025