Tigil-pasada ng Manibela at Piston, hindi pa ramdam sa Pasig City

Nananatiling normal ang biyahe ng mga jeepney sa Pasig City ngayong unang araw ng tigil-pasada ng mga grupong Manibela at Piston. Ito’y kahit pa may ilang mga miyembro ng naturang grupo partikular na iyong may rutang Pasig Palengke – Quiapo na sumama sa ikinasang programa sa Welcome Rotonda sa Quezon City. Sa pag-iikot ng Radyo… Continue reading Tigil-pasada ng Manibela at Piston, hindi pa ramdam sa Pasig City

AFP, handang umalalay sa mga pasaherong maapektuhan ng tigil-pasada

Handang umalalay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikinasang tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, may nakalatag nang contingency plan ang Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) para rito. Magsisilbing karagdagang augmentation ito sa Libreng Sakay na i-aalok… Continue reading AFP, handang umalalay sa mga pasaherong maapektuhan ng tigil-pasada

Mahigit ₱35-M halaga ng shabu, naharang ng PNP Drug Enforcement Group sa NAIA Terminal 3

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang nasa limang kilo ng hinihinalang shabu. Ito’y kasunod ng ikinasang controlled delivery operation sa Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kagabi. Sa ulat ni PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta kay PNP Chief Police… Continue reading Mahigit ₱35-M halaga ng shabu, naharang ng PNP Drug Enforcement Group sa NAIA Terminal 3

May-ari ng sasakyang nagparada sa Bicycle Lane, ipinatawag ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng Toyota Vios na nasa viral video matapos makitang nakaparada sa Bicycle Lane. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, nagkasa na ang ahensya ng imbestigasyon para matukoy kung iisa lang ang may-ari ng sasakyan at ang… Continue reading May-ari ng sasakyang nagparada sa Bicycle Lane, ipinatawag ng LTO

Livestock at poultry inspections, itinayo sa QC

Nakipagtulungan na rin ang Quezon City Veterinary Department sa Bureau of Animal Industry para maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod. Kasunod ito ng pagtatayo ng livestock at poultry inspection areas o checkpoints sa ilang barangay sa lungsod. Ayon sa QC LGU, target ng cross-infection na masuri ang mga pumapasok na buhay… Continue reading Livestock at poultry inspections, itinayo sa QC

Mga senador, pinapa-update ang datos ng NEDA sa poverty threshold sa bansa

Nangako ang National Economic Development Authority (NEDA) na muli nilang pag-aaralan ang kanilang mga numero matapos kwestiyunin ng mga senador ang tinatawag na poverty threshold o ang batayan para masabing mahirap ang isang indibidwal. Sa naging briefing ng DBCC sa Senado, napag-alaman na ang batayan ng pagiging ‘food poor’ ay kung nasa ₱64 per day… Continue reading Mga senador, pinapa-update ang datos ng NEDA sa poverty threshold sa bansa

NEDA, naglatag ng mga hakbang para mapanatiling malago ang ekonomiya ng bansa

Inilatag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga hakbang upang mapanatiling malago ang ekonomiya ng bansa. Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa pagsisimula ng paghimay ng Senado para sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon. Kabilang sa mga inilatag ni Balisacan ay ang pagpasa ng mga panukalang batas… Continue reading NEDA, naglatag ng mga hakbang para mapanatiling malago ang ekonomiya ng bansa

Surplus ng kamatis sa ilang rehiyon, tinutugunan na ng DA

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa napaulat na sobrang suplay ng kamatis sa ilang lalawigan. Kabilang dito ang Nueva Vizcaya kung saan una nang iniulat na may ilang magsasaka na ang nagtapon ng kanilang aning kamatis. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang regional office sa… Continue reading Surplus ng kamatis sa ilang rehiyon, tinutugunan na ng DA

Drainage masterplan, pinaplantsa na ng QC LGU

Para iwas-baha, sinimulan nang ilatag ng Quezon City local goverment ang isang drainage masterplan para sa mga flood prone areas sa lungsod. Sa QC Journalist Forum, sinabi ni QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Spokesperson Peachy de Leon na nasa planning stage na sila ngayon sa marterplan kasama ang mga barangay, homeowners association… Continue reading Drainage masterplan, pinaplantsa na ng QC LGU

Pag-anib sa Reserved Force ng mga kilalang personalidad, nakatulong para mapataas ang bilang nito — AFP

Malaki ang naitulong ng mga kilalang personalidad gaya ng mga artista upang mahikayat ang mga kabataan na umanib sa Reserved Force ng bansa. Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-45 National Reservist Week. Sa “Kapihan sa Bagong Pilipinas,” sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, mahalaga… Continue reading Pag-anib sa Reserved Force ng mga kilalang personalidad, nakatulong para mapataas ang bilang nito — AFP