Timbog sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Caloocan City ang dalawang ina na sangkot sa umano’y pagbebenta ng malalaswang larawan at video ng kanilang mga anak online.
Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, nagugat ang operasyon sa impormasyon na mula sa kanilang mga foreign counterparts sa Estados Unidos, lalo at karamihan umano ng parokyano ng mga suspek ay mga dayuhan na inaalok ng mga malalaswang content.
Ang 2 suspek ay sinampahan na ng patung-patong na kaso kabilang ang qualified trafficking at violence against women and children, habang ang 6 na biktima na anak ng mga suspek ay sinagip ng NBI at nasa pangangalaga na ng isang shelter.
Isinasailalim na rin sa forensic investigation ang mga nakumpiskang gadget sa bahay ng mga suspek.
Muli namang iginiit ni Dir. Santiago na hindi rason ang kahirapan para sa mga ganitong iligal na aktibidad at tiniyak na hahabulin nila ang lahat ng sangkot sa online exploitation. | ulat ni Merry Ann Bastasa