Na-nutralisa ng mga tropa 94th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawang opisyal ng NPA sa enkwentrong naganap sa Sitio Pisok barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental, kahapon bago magtanghali.
Kinilala ang mga nasawing NPA na sina Joan Lacio Encarnacion, alyas Mark/Covid, ang Vice commanding officer ng Sentro De Grabidad Platoon at Jolina Martinez Sergio, alyas Chloe, na political instructor naman ng grupo.
Nasawi ang dalawang lider komunista matapos ang limang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga tropa at teroristang grupo, at narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 at isang M14 armalite rifle ng kalaban.
Pinuri naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) Commander Lt. General Fernando Reyeg ang mga tropa sa kanilang matagumpay na operasyon.
Patuloy na rin umano ang paghina ng puwersa ng NPA sa Visayas region dahil sa pagkakasawi ng mga matataas nilang opisyal sa mga nakaraang engkwentro. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of VISCOM